Paul pipirma na uli sa Clippers

LOS ANGELES--Alisin na ang pangalan ni Chris Paul sa listahan ng mga mar­quee NBA free agents.

Matapos ang pagsisi­mula ng free agency, inasahan nang magkakasundo ang point guard at ang Los Angeles Clippers para sa isang five-year, $107 million contract, ayon sa ulat ng ESPNLosAngeles.com.

Inihayag na ng kinata­wan ni Paul sa mga kopo­nang interesado sa kanya na pipirma ang All-Star sa panibagong kontrata sa Clippers.

Nasangkot ang pangalan ni Paul sa trade para kay Los Angeles Lakers center Dwight Howard at isa pang free agent sa Atlanta Hawks.

Kinuha ng Clippers si coach Doc Rivers mula sa Boston para palitan si Vinny Del Negro at pasayahin si Paul.

Nakumpleto ng 28-an­yos na si Paul ang kanyang ikalawang season sa Clippers kung saan siya nagtala ng mga averages na 16.9 points at 9.7 assists sa 70 regular-season games.

 

Show comments