Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
4 p.m. SSC vs Mapua
6 p.m. Perpetual vs JRU
MANILA, Philippines - Inangkin ng Letran College ang pangunguna matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College,79-74, sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Itinumpok ng Knights ang 2-0 record kasabay ng pagpapatikim sa Generals ng ikalawang sunod na kaÂbiguan nito.
Muling kumamada si 6-foot-7 Raymond Almazan nang humakot ng 15 points, habang nagdagdag ng 13 markers si Rey Nambatac.
Isang putback at slam dunk ang isinalpak ni Almazan sa dulo ng fourth quarter para protektahan ang 79-74 abante ng Letran kontra sa EAC sa nalaÂlabing 20.7 segundo.
Hindi hinayaan ng Chiefs na mabiktima sila ng Pirates kagaya ng nangyari sa ‘three-peat’ champions na Red Lions.
Sinandigan ang kaÂnilang depensa, tinalo ng Arellano University ang Lyceum, 68-60, sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor si Jiovanni JaÂlalon ng 13 points, habang nag-ambag si Allen Enriquez ng 10 markers para sa 1-1 baraha ng Chiefs ni coach Koy Banal, nagbigay ng mga korona sa San Beda at sa Far Eastern University sa UAAP.
Pinamunuan ni CameÂroonian import Aziz Mbomiko ang Pirates mula sa kanyang 18 points at may 14 markers si Andrei Mendoza.