MANILA, Philippines - Kumana ng 2755 pinÂfalls matapos ang 12 games ang beteranong si Jong Enriquez upang paÂngunahan ang unang batch ng finalist sa 2013 Bowling World Cup na ginawa kamakailan sa 13 bowling centers.
Kasama sa ginulat ni Enriquez ay ang six-time world champion na si Paeng Nepomuceno na may 2413 iskor.
Nakapanggulat din sina Annie Gan at hindi kilalang si Mades Arles sa kababaihan matapos magsumite ng 10-game totals na 1972 at 1960.
Si Krizziah Tabora na nakasama ni RJ Bautista na kumatawan sa World Cup Finals noong nakaraang taon ay nangapa sa kanyang tunay na porma sa naisumiteng 1730 puntos.
Idinadaos na ang seÂcond qualifying round sa 13 centers na Paeng’s Eastwood, Astrobowl, Commonwealth, Paeng’s Freedom Imus, Coronado Lanes Starmall, Superbowl, Puyat Sports Baguio, Q Plaza, SM Valenzuela, SM North EDSA, SM MOA, SM Fairview at Paeng’s Midtown.
Ang mga makakasama sa second batch ng finalists ay makakasama nina Enriquez at iba pa sa national finals mula Setyembre 14 at 15 sa Coronado Lanes, Setyembre 17 at 18 sa Paeng’s Midtown at SetÂyembre 20 sa SM Mall of Asia Arena.
Ang lalabas na kampeon sa National Finals ay kakatawan sa bansa sa international finals sa Sibiryak Bowling Center sa Krasnoyarks, Russia mula Nobyembre 15 hanggang 24.