Federer umusad sa 2nd round; Nadal sibak na sa Wimbledon
LONDON--Maagang nasibak si French Open champion Rafael Nadal matapos isuko ang 6-7 (4), 6-7 (8), 4-6 kabiguan kontra kay 135th-ranked Steve Darcis ng Belgium sa first round ng Wimbledon.
“Nobody remembers the losses. People remember the victories,†sabi ni Nadal na nagkaroon ng isang left knee injury. “And I don’t want to remember that loss.â€
Napatalsik din si Nadal sa second round ng Wimbledon noong 2012 laban kay Lukas Rosol, isang player na may ranggong 100.
Matapos ang nasabing kabiguan ay pitong buwan na nagpahinga si Nadal bunga ng kanyang problema sa kaliwang tuhod.
Sa kanyang pagbabalik ay nagtala siya ng 43-2 record at pumasok sa finals sa lahat ng siyam na torneong sinalihan niya kung saan pito dito ay kanyang pinagharian.
At habang nangangapa si Nadal, lumakas naman ang posibilidad na maging mahigpit na magkaribal para sa korona sina seÂcond-seeded Andy Murray at seven-time champion Roger Federer matapos manalo sa kani-kanilang kalaban.
Nangailangan lamang si Federer ng 68th minuto upang igupo ang 48th-ranked na si Victor Hanescu ng Romandia, 6-3, 6-2, 6-0 sa Centre Court kung saan nanonood ang dating U.S. Secretary of State na si Condoleeza Rice mula sa Royal Box.
“I’m happy to get out of there early and quickly,†ani Federer. “Perfect day.â€
Pinatalsik naman ni reigning U.S. Open champion Murray, hangad na maging kauna-unahang British man na nanalo sa Wimbledon matapos ang 77-taon, ang 92nd-ranked na si Benjamin Becker ng Germany, 6-4, 6-3.
Umiskor naman si Maria Sharapova ng 7-6 (5), 6-3 panalo laban kay Kristina Mladenovic ng France.
Yumukod si fifth-seeÂded Sara Errani kay MoÂnica Puig ng Puerto Rico, 6-3, 6-2.
- Latest