Gilas dudurugin ang Saudi Arabia
MANILA, Philippines - Inaasahang dodominahin ng Gilas Pilipinas II ang Saudi Arabia para sa kanilang unang laro sa 27th FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships na nakatakda sa Agosto 1-11 at idaraos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Ang lahat ng laro ng NaÂtionals ay gagawin sa MOA Arena tuwing alas-8:30 ng gabi.
Magtatagpo ang Gilas II at ang Saudi Arabia sa Agosto 1 sa ganap na alas-8:30 ng gabi sa MOA Arena na siyang tampok sa eight-game schedule ng nasabing regional world qualifier.
Ang Saudi Arabia ang lowest-ranked team sa Group A sa unang paglaÂhok nila sa FIBA-Asia Championship matapos noong 2005 edition kung saan sila tumapos bilang No. 8.
Sumabak ang Gulf team sa pitong Asian meet at ang kanilang best finish ay No. 3 sa Japan noong 1999.
Pumuwesto sila sa ika-pito sa FIBA-Asia stint noong 1989, pang siyam noÂong 1991, ikaanim noÂong 1993 at 1995 at pang apat noong 1997.
Maghaharap ang China at ang South Korea sa alas-5:45 ng hapon matapos ang laro ng Iran at Malaysia sa alas-11 ng umaga, ang banggaan ng Jordan at Chinese Taipei sa alas-1:15 ng hapon at ang labanan ng Japan at Qatar sa alas-3:30.
Sa huling laro sa alas-10:30 ng gabi ay magtaÂtapat ang Lebanon at ang Hong Kong.
Sa Ninoy Aquino Stadium naman magkikita ang Kazakhstan at ang Thailand sa alas-6 ng gabi kasunod ang salpukan ng India at Bahrain sa alas-8:30.
Sa Agosto 2 ay haharapin ng Gilas II ang Jordan kasunod ang Chinese Taipei sa Agosto 3 sa pagtatapos ng first round sa MOA Arena.
- Latest