Popovich tiwalang buo pa rin ang koponan sa susunod na season

SAN ANTONIO--Ang  mainit na pagsalubong ng mga tagahanga nang bumalik ang San Antonio Spurs sa kanilang lugar ang  kailangang-kailangan ng sugatang koponan ay kanilang nadama.

Nakawala ang sana’y ikalimang NBA title ng Spurs nang natalo sa da­la­wang sunod na road games sa Miami Heat.

Walang mas sasakit pa kundi ang nangyari sa Game Six nang lumamang ang Spurs ng lima sa huling 28 segundo pero natalo pa sa overtime para mauwi sa isa’t-isa ang labanan.

“I don’t really want to do a soliloquy, but the elephant in the room is that we’re all hurting because we had an opportunity to win the championship right in the palm of our hands and it didn’t happen,” ani Spurs coach Gregg Popovich.

Ngunit ang sakit ay na­ba­wasan matapos maramdaman ng koponan na nasa likod pa rin nila ang kanilang mga tagahanga.

Nakikita ni Popovich na mananatiling buo pa rin ang koponang nagtulung-tulong para makarating uli ng Finals ang Spurs sa su­sunod na NBA season.

Si Tim Duncan ay magbabalik pa rin dahil may kontrata pa kasama si Tony Parker. Hindi pa naman batid ang plano ni Manu Ginobili pero sakaling magretiro na ito, marami naman ang papalit sa kanyang puwesto.

Show comments