Cuello gagawin ang lahat para maagaw ang korona vs Chinese boxer
MANILA, Philippines - Nangako si Filipino challenger Denver Cuello na gagawin niya ang lahat para maÂagaw kay Xiong Zhao Zhong ng China ang suot nitong World Boxing Council minimumweight crown sa kanilang upakan sa Hunyo 28 sa World Trade Centre sa DuÂbai, UAE.
“I am one hundred percent ready, mentally and physically, for this fight. I have been waiting a long time for a shot at the world title - around three years - and I feel now is my time,†sabi ni Cuello sa panayam ng Sport360 sa Dubai.
Lalaban sana ang 26-anyos na si Cuello para sa bakanteng WBC crown, ngunit napilitang magbigay kay Zhong na tinalo si Javier Martinez Resendiz ng Mexico.
Sa kabila nito, nagtala pa rin si Cuello (33-4-6, 21 knockouts) ng panalo laban kay Takashi Kunishige ng Japan para maÂpanatili ang kanyang mandatory challenger status.
Inamin ng tubong Cabatuan, Iloilo na mabigat na kalaban ang 30-anyos na Chinese champion.
“Zhong is a great boxer, a world champion, and he will be a hard opponent. It promises to be a great fight for everyone watching,†ani Cuello. “But I’m confident I will be the next champion.â€
Hangad ni Cuello na sundan ang mga yapak ni Edrin Dapudong na hinirang na bagong International Boxing Organization super flyweight champion noong nakaraang linggo.
Ngunit kumpiyansa si Zhong (20-4-1, 11 KOs) na mapapanatili niyang suot ang WBC crown pabalik sa China.
“I’ve trained really hard for this because Denver is a very good fighter but I am the champion and I will be the winner,†sabi ni Zhong.
- Latest