MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Philippine Volcanoes, ang national men’s rugby sevens team, sa pagsabak sa Rugby World Cup Sevens sa Russia na nakaÂtakda sa Hunyo 28-30.
“The training is hard, a lot of skills and conditioÂning at the beginning of the camp,†sabi kahapon ni veÂteran Matthew Saunders sa Volcanoes na nagsasaÂnay sa Laguna.
Nagsasanay ang Volcanoes sa ilalim ni daÂting USA rugby coach, Al Caravelli.
Mula sa bilang na 23 ay bumaba sa 14 ang national training pool at nakatakdang pangalanan ang Final 12 sa Hunyo 20 bago sila bumiyahe patungong Russia sa Hunyo 23.
Ang Rugby World Cup Sevens ang pangunaÂhing Rugby Sevens tournament na nagtatampok sa top 24 teams sa buong mundo.
Bukod sa Pilipinas, ang Japan at Hong Kong ang tanging tatlong Asian teams sa torneo.
Nakuha ng Volcanoes ang tiket sa RWC7s matapos talunin ang South Korea sa qualifying tournament noong Nobyembre 2012.
Kasama ng Volcanoes sa Pool C ang Zimbabwe, Kenya at Samoa.
Sinabi ni Caravelli na malaking hamon para sa Volcanoes ang Kenya.
Kagaya ng Kenya, mabigat na kalaban din ang Samoa at Zimbabwe na tumalo sa Volcanoes sa kanilang huling pagkikita sa Hong Kong.
Bukod sa Rugby World Cup Sevens, gusto rin ng Volcanoes na manalo sa Asian Sevens Series at sa Asian Games.