‘Laban ng Lahi’ sa GMA News TV

MANILA, Philippines - Mga magagandang pa­nalo ng mga Filipino bo­xers ang mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV Channel 11.

Tatawaging ‘Laban ng Lahi’, sesentro ang prog­rama ang husay ng mga tinitingalang Pinoy boxers na magsisimula sa ganap na ala-1 ng hapon o matapos ang Balitanghali.

Ngayon mapapanood ang “Bakbakan sa Japan” sa pagitan nina Farenas at Takahashi Uchiyama ng Japan para sa WBA World Super Featherweight title, Sonny Boy Jaro vs Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand para sa WBC Flyweight title at Sonny Boy Jaro laban kay Toshiyuki Igarashi ng Japan para sa WBC Flyweight title.

Sa Huwebes (Hun­yo 20) ay ipapalabas ang tapatan ng Pinoy at Mexican boxers. Tampok na laban ang kina Federico Catubay at  Rodrigo Guerrero para sa IBF Super Flyweight title eliminator at ang labanan nina Johnriel Casimero at Ramon Garcia Hirales para sa WBO Light Flyweight belt.

Sa Biyernes ay sasalang si Ciso Morales laban kay Miguel Angel Gonzales ng Mexico at Marvin Sonsona laban kay Alejandro Hernandez ng Mexico para sa WBO Super Flyweight title.

Show comments