Green gumawa ng NBA Finals record sa three-point shooting

SAN ANTONIO -- Naglista ng NBA Finals record na 25 three-pointers, tumapos si Danny Green na may 24 points mula sa kanyang 6-of-10 shooting sa 3-point range sa panalo ng San Antonio Spurs kontra sa Miami Heat, sa Game 5.

Kumonekta si Green ng 25-for-38 shooting sa 3-point line mula sa Game 1 hanggang Game 5 ng sa NBA Finals.

Bago ang kanyang pagiging kamador sa 3-point range ay maikling nagsama sina Green at Miami Heat superstar LeBron James sa Cleveland Cavaliers noong 2010.

Si Green ngayon ang pinakamatinding 3-point shooter sa NBA Finals.

‘’It seems everything is going right for me. I feel truly blessed,’’ sabi ni Green, tumitipa ng tatlo hanggang apat na tres sa serye. ‘’The basketball gods are in our favor right now.’’

Show comments