Nasasabik na nang husto ang mga fans ng Barangay Ginebra San Miguel dahil sa umuugong na baÂlitang baÂka maglaro para sa Gin Kings si Paul Asi TauÂlava ngayÂong tapos na ang Asean Basketball League (ABL).
Tinulungan ni Taulava ang San Miguel Beermen na makaganti sa Indonesia Warriors at makopo ang kamÂpeonato ng ABL sa pamamagitan ng 3-0 sweep.
Tinapos nila ang serye noong Miyerkules sa homecourt ng kalaban.
Ngayo’y nakauwi na sa Pilipinas ang Beermen at ipiÂÂnagdiriwang ang kanilang tagumpay.
Si Taulava rin ang hinirang na Most Valuable PlaÂyer ng torneo.Isa itong achievement considering na 40-anyos na ang manlalarong tinaguriang “The Rock.â€
Biruin mo iyon? Kuwarenta na si Tauava pero tinalo niÂÂya ang mas batang katunggali. Sa numero lang siya maÂtanda. Pero sa kilos at gawa, aba’y batang-bata pa si Taulava.
Puwede pa sa PBA!
Iyon ang kaisipan ng mga Barangay Ginebra San MiÂguel fans. kaya nga nae-excite na sila, eh.
Kasi nga, next logical step para kay Taulava ang magÂbalik sa PBA. At dahil sa ang San Miguel Beermen ay sister team ng Gin Kings, natural na posibleng dito siya lumagpak.
Hindi sa Meralco?
Well, iniwan na kasi ni Taulava ang Meralco bago nag-umpisa ang ABL season. Kahit pa binigyan siya ng magandang offer ng Bolts ay ni-reject ito ni Taulava at minabuti niyang maglaro sa ABL.
So, para bang inayawan na niya ang Bolts.
Pero siyempre, hawak pa ng Bolts ang right of first reÂfusal kay Taulava. Hindi basta-basta makapaglalaro si Taulava sa ibang teams sa PBA nang hindi pinahihitulutan ng Meralco. Natural na hihingi ng kapalit ang Bolts.
Kaya nga ang lumulutang na usapan ay magkakaroon ng trade.
Makukuha ng Gin Kings si Taulava kapalit ni Kerby RayÂmundo.
Patas naman siguro ang trade na iyon. At kung tutuusin, lamang ang Ginebra sa trade na iyon kahit pa mas matanda si Taulava. Kasi, mas marami namang awards na natanggap si Taulava kaysa kay Raymundo.
Siguro naman ay gusto rin ni Meralco coach Paul Ryan Gregorio na muling makasama sa kanyang kopoÂnan si Raymundo na dati niyang manlalaro noong siÂla’y nasa Purefoods Tender Juicy Giants pa. Ilang kampeoÂnato rin naman ang kanilang napanalunan noon.
Baka sakaling magbalik ang winning ways nila sa MeÂÂralco.
Win-win situation ito para sa Meralco. Imbes na magÂlaro ng kulang ng isang big man gaya ng nangyaÂri sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, aba’y magÂkaÂkaroon sila ng Raymundo.
Sa panig ng Gin Kings, sugal ang pagkuha kay TauÂÂlava. Kasi nga’y gumaganda na sana ang perforÂmance ni Raymundo.
Hindi porke’t naging MVP sa ABL si Tauava ay gaÂnoon na rin ang magiging performance niya pagbalik niÂya sa PBA.
Pero just the same, magandang addition si Taulava kung sakaling makukuha siya ng Gin Kings.
Kung noo’y kulang sa big men ang Barangay GiÂnebra San Miguel, ngayo’y aapaw sila sa higante dahil sa bukod kay Taulava ay nandoon na si Japhet Aguilar at baka magbalik pa si Eric Menk.
Kaya nga excited ang Gin Kings fans eh!