^

PSN Palaro

Excited ang Gin King fans!

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Nasasabik na nang husto ang mga fans ng Barangay Ginebra San Miguel dahil sa umuugong na ba­litang ba­ka maglaro para sa Gin Kings si Paul Asi Tau­lava ngay­ong tapos na ang Asean Basketball League (ABL).

Tinulungan ni Taulava ang San Miguel Beermen na makaganti sa Indonesia Warriors at makopo ang kam­peonato ng ABL sa pamamagitan ng 3-0 sweep.

Tinapos nila ang serye noong Miyerkules sa homecourt ng kalaban.

Ngayo’y nakauwi na sa Pilipinas ang Beermen at ipi­­nagdiriwang ang kanilang tagumpay.

Si Taulava rin ang hinirang na Most Valuable Pla­yer ng torneo.Isa itong achievement considering na 40-anyos na ang manlalarong tinaguriang “The Rock.”

Biruin mo iyon? Kuwarenta na si Tauava pero tinalo ni­­ya ang mas batang katunggali. Sa numero lang siya ma­tanda. Pero sa kilos at gawa, aba’y batang-bata pa si Taulava.

Puwede pa sa PBA!

Iyon ang kaisipan ng mga Barangay Ginebra San Mi­guel fans. kaya nga nae-excite na sila, eh.

Kasi nga, next logical step para kay Taulava ang mag­balik sa PBA. At dahil sa ang San Miguel Beermen ay sister team ng Gin Kings, natural na posibleng dito siya lumagpak.

Hindi sa Meralco?

Well, iniwan na kasi ni Taulava ang Meralco bago nag-umpisa ang ABL season. Kahit pa binigyan siya ng magandang offer ng Bolts ay ni-reject ito ni Taulava at minabuti niyang maglaro sa ABL.

So, para bang inayawan na niya ang Bolts.

Pero siyempre, hawak pa ng Bolts ang right of first re­fusal kay Taulava. Hindi basta-basta makapaglalaro si Taulava sa ibang teams sa PBA nang hindi pinahihitulutan ng Meralco. Natural na hihingi ng kapalit ang Bolts.

Kaya nga ang lumulutang na usapan ay magkakaroon ng trade.

Makukuha ng Gin Kings si Taulava kapalit ni Kerby Ray­mundo.

Patas naman siguro ang trade na iyon. At kung tutuusin, lamang ang Ginebra sa trade na iyon kahit pa mas matanda si Taulava. Kasi, mas marami namang awards na natanggap si Taulava kaysa kay Raymundo.

Siguro naman ay gusto rin ni Meralco coach Paul Ryan Gregorio na muling makasama sa kanyang kopo­nan si Raymundo na dati niyang manlalaro noong si­la’y nasa Purefoods Tender Juicy Giants pa. Ilang kampeo­nato rin naman ang kanilang napanalunan noon.

Baka sakaling magbalik ang winning ways nila sa Me­­ralco.

Win-win situation ito para sa Meralco. Imbes na mag­laro ng kulang ng isang big man gaya ng nangya­ri sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, aba’y mag­ka­karoon sila ng Raymundo.

Sa panig ng Gin Kings, sugal ang pagkuha kay Tau­­lava. Kasi nga’y gumaganda na sana ang perfor­mance ni Raymundo.

Hindi porke’t naging MVP sa ABL si Tauava ay ga­noon na rin ang magiging performance niya pagbalik ni­ya sa PBA.

Pero just the same, magandang addition si Taulava kung sakaling makukuha siya ng Gin Kings.

Kung noo’y kulang sa big men ang Barangay Gi­nebra San Miguel, ngayo’y aapaw sila sa higante dahil sa bukod kay Taulava ay nandoon na si Japhet Aguilar at baka magbalik pa si Eric Menk.

Kaya nga excited ang Gin Kings fans eh!

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

GIN KINGS

KASI

MERALCO

PERO

RAYMUNDO

SAN MIGUEL BEERMEN

SHY

TAULAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with