World championship qualifier Asian Zonals: Phl Spikers-Vietnam magpapaluan na
MANILA, Philippines - Respetadong panimula ang hanap ngayon ng PhiÂlippine women’s volleyball team sa pagharap sa maÂlakas na Vietnam sa pagbubukas ng FIVB 2013 World Championship QuaÂlifier Southeastern Zone sa Quiang Tri,Vietnam.
Tampok na laro ito na magsisimula sa ganap na alas-8 ng gabi at alam ni head coach Roger GoÂrayeb na mahirap na laban agad ito para sa koponang nagsanay lamang sa loob ng pitong araw.
“Modest lang ang expectations,†wika ng multi-titled coach na si Gorayeb na makakatulong na dumiskarte sa koponan sina National University mentor Edjet Mabbayad at Ariel dela Cruz.
Tatlong laro ang haharapin ng koponan at bukas ay katunggali nila ang Myanmar at sa Linggo ay makakatipan ang Indonesia. Ang dalawang larong ito ay sisimulan sa ganap na alas-5 ng hapon.
Ang mangunguna maÂtapos ang tatlong araw na torneo ay aabante sa Asian Zonals pero para sa koponan, ang makapagtala ng panalo ay isa ng malaÂking bagay lalo pa’t ito ang kauna-unahang women’s national team na nabuo matapos ang 2005 Philippine SEA Games.
Ang mga aasahan ay sina Dindin at Jaja Santiago, Rubie de Leon, Alyssa Valdez, Jennylyn Reyes, Myla Pablo at Suzanne Roces.
Kukumpletuhin ang koÂponan nina Iari Yongco, Pau Soriano, Maika Ortiz, Jhech Dionela at Rhea Dimaculangan.
Ipinadala ng Philippine Olympic Committee (POC) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Smart Communication at Accel, ang koponan ay umalis noong Miyerkules at nagkaroon ng isang araw na pahinga para maikondisÂyon agad ang sarili sa mabigat na unang laban.
Ang POC ang pagpadala ng koponan sa palarong may basbas ng Asian Volleyball ConfeÂderation nang hindi kumilos ang Philippine Volleyball Federation sa imbitasyon AVC at host Vietnam na sumali ito.
- Latest