MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na kakaiba sa San Miguel Beer ngayon, ito ay ang kahusayan ng mga manlalaÂrong napili na dumepensa.
Ito ang ikalawang suÂnod na taon na nasa ASEAN Basketball League (ABL) Finals ang Beermen at sa pagkakataong ito ay nakuha nila ang kampeonato na noong nakaraang taon ay naipagkait sa kanila ng Indonesia Warriors.
Isang 3-0 sweep ang naiposte ng tropa ng first year head coach Leo Austria at agad niyang tinuran na bagama’t magkasing-talento ang mga manlaÂlaro ngayon kumpara sa nagdaang taong koponan, mas pinagtuunan ng koponan ang pagdepensa kaysa talunin ang kalaban sa opensa.
“We are a talented team down to our last man. But we know defense wins championships,†wika ni Austria matapos talunin ang Warriors noong Miyerkules, 70-55, sa Mahaka Square, Jakarta, Indonesia.
Ang Beermen ang ikalawang Philippine team na naging kampeon sa ABL matapos ang Philippine Patriots na dinomina ang unang edisyon ng liga.
Kung may isang magkatulad sa kampanya ng Beermen at ng Patriots, ito ay ang ginawang paggapi sa iisang koponan, ang Indonesia, at tinapos nila ang serye sa lugar ng kalaban.
Kinatampukan ang mabungang kampanya ng Beermen sa ikaapat na taon sa ABL ng pagtala ng makasaysayang 16-game winning streak.
Naputol man ang streak nang natalo sa Sports Rev Thailand Slammers sa Game One sa semis na ginawa sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, nakatulong naman ito para magising ang Beermen at maibalik ang init ng paglaÂlaro at wakasan ang season bitbit ang 6-0 marka.