MANILA, Philippines - Hindi na pakakawalan pa ng San Miguel Beer ang momentum sa pagharap uli sa Indonesia Warriors para sa ASEAN Basketball League (ABL) Finals.
Game Three ang taÂgiÂsan na gagawin sa ganap na alas-8 ng gabi (Manila time) sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia at kahit dayo ang Beermen ay gagawin nila ang lahat para hiyain ang host team.
“We have the momentum so we would want to fi-nish the series early,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Kung mapangatawanan ang plano, ito ang unang titulo ng Beermen sa dalawang taon na paglahok sa liga.
Maipaghihiganti rin ng San Miguel ang pagkatalong ipinalasap ng Warriors sa kanila noong nakaraang taon kung makuha ang ta-gumpay.
Ang Game 4 ay gagawin din sa Indonesia at sakali mang maisuko ng Beermen ang dalawang laro ay babalik ang serye sa Pilipinas para sa deciding Game 5.
Pero ayaw na ni Austria na umabot pa sa deciding game ang serye kaya’t nananalig siyang hindi maÂwawala ang naipakitang tikas ng koponan nang kunin ang 75-70 at 66-65 panalo sa unang dalawang pagkikita sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
“Maganda ang serye at talagang mahigpitan. InaÂasahan kong dikitan pa rin ang labanan pero kung makakakita kami ng pagkakataon ay sasamantalahin namin ito para matapos na ang best-of-five series,†dagdag ni Austria.
Sina Brian Williams, Asi Taulava, Justin Williams, Leo Avenido at Chris Banchero ang mga mangunguna sa Beermen para makumpleto ang 3-0 sweep.