Gilas binugbog ang Birstono Jazz Diremta
MANILA, Philippines - Kinubra ng Gilas Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo sa isinasagawang tune-up games sa Lithuania nang padapain ang Birstono Jazz Diremta, 74-63, noong Biyernes ng gabi sa Suyturio Arena sa Klaipeda, Lithuania.
Nanalo ang tropang hawak ni coach Chot Reyes kahit may masamang 3-of-20 shooting sa tres para sundan ang nakuhang 81-76 panalo sa Klaipedos Neptunas noong Huwebes.
“Come from behind W again. Shot only 3/20 3x, but found ways to stay in the game Still a lot of work to do,†wika ni Reyes sa kanyang tweeter.
May 18 puntos si Marcus Douthit, 13 si Gabe Norwood, 9 ang ibinigay ni Gary David at 7 ang hatid ni Jeff Chan para sa Gilas na ginamit din ang angking bilis para makuha ang panalo kahit napag-iwanan ng Birstono sa unang tatlong yugto, 16-18, 30-36 at 47-52.
Kumawala ng 27 puntos ang Nationals habang nalimitahan ang mas maÂlalaking katunggali sa 11 tuÂngo sa ikalawang dikit na tagumpay.
“Great comeback! Shot poorly today but adjusted and got them w/ our speed. Our (team) just kept on fighÂting,†tweet naman ng anak ni Chot na si Josh Reyes na isa sa mga assistant coaches ng koponan.
Sunod nilang katapat ay ang Kaunas LSU-Baltai sa Linggo habang ang iba pang haharapin ng koponan ay ang Birstono uli at ang Lithuanian U-20 national team na isang two-game series.
- Latest