^

PSN Palaro

Jordan malaking balakid sa kampanya ng Gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may koponan mang maaaring gumulat sa Gilas Pilipinas II sa 2013 FBA-Asia Men’s Cham­pionships, ito ay ang Jordan.

Umaasa ang mga Jor­danians na magiging mala­kas ang kanilang tsansa sa ilalim ng bagong programa ni foreign coach Vangilis Aleksandris.

Masayang tinanggap ni Aleksandris at ng kanyang koponan ang resulta ng draw noong Huwebes at sinabing handa sila sa kanilang mga makakala­ban.

“If we aim to do what we did two years ago, we need to win against the top teams. So who the opponent is doesn’t really matter for us,” sabi ng veteran point guard na si Wesam Al-Sous sa fibaasia.net.

Pinili ng Gilas II na ma­kasama ang Jordan, Chinese Taipei at  Saudi Arabia sa Group A sa first round ng prelims.

Ang top three team sa grupo ang papasok sa second round kontra sa top three mula sa Group B na binubuo ng Japan, Lebanon, Qatar at Hong Kong.

“It’s a good draw. And we will try hard to keep the pride of Jordan. I’m sure more success will come for Jordan,” sabi ni assistant coach Yiannis Livano.

Sa ilalim ni Portuguese coach Mario Palma, umabante ang Jordan para sa 2010 World meet sa Turkey matapos maging ikatlo sa 2009 Asian tourney sa Tianjin, China.

Noong 20011 sa Wuhan, China, nagtapos sa No. 2 ang Jordan sa ilalim ni American mentor Tab Baldwin.

Hindi naging kuntento, hinugot ng Jordanian cage federation ang Greek coaching tandem nina Aleksandris at Livano.

“I’m proud of being the coach of Jordan. I will work towards success along with this great group of people around me,” ani Aleksandris, nakapanalo ng FIBA EuroCup title.

Mula sa kanilang pag­sa­sanay sa Amman, Jordan ay magtutungo ang koponan sa isang boot camp sa Greece.

Kasunod nito ang isang training-cum-competition program sa Istanbul tampok ang tatlong friendly games laban sa Egypt, Tunisia at Algeria at ang paglahok sa Jones Cup sa Chinese Taipei sa Hulyo.

Sina veterans Zaid Abbas at Sam Daghles ang babandera sa Jordan katulong si naturalized player Rasheim Wright.

ALEKSANDRIS

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

GILAS PILIPINAS

GROUP A

GROUP B

HONG KONG

JONES CUP

JORDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with