Unicorns paborito sa Ateneo Open 3

MANILA, Philippines - Hahataw na bukas ang Ateneo Open 3 sa Blue Eagle Gym at nakikita bilang paborito ay ang koponan ng Unicorns.

Binubuo ang Unicorns ng mga kasapi ng two-time Shakey’s V-League champion Ateneo sa hangaring makabawi matapos matalo sa Hope Alumni noong nakaraang taon.

Mangunguna sa kopo­nan sina Dzi Gervacio, Gretchen Ho at  Fille Caing­let na napatunayan na ang angking husay habang naglalaro sa Lady Eagles sa UAAP at V-League.

Ang iba pang kasapi ng Unicorns ay sina Charo Soriano, Kara Acevedo, Karla Bello, Ivy Remulla at Anne Remulla.

Hindi naman magagamit ng Hope ang husay ni Chie Saet na MVP sa nagdaang edisyon pero ki­­nuha nila ang dating Ate­neo setter Jem Ferrer para pagtibayin ang habol sa ika­lawang sunod na titulo sa ligang handog ng Mizuno.

Makakatuwang ni Ferrer sina Bernice Co, South Ramos, Pau Genido at Angelica Perez.

Show comments