NEW YORK--Nagdesisyon si Jason Kidd na magretiro sa NBA matapos ang 19 taon.
“My time in professional basketball has been an incredible journey, but one that must come to an end after 19 years,†sabi ni Kidd sa isang statement na inilabas ng New York Knicks. “As I reflect on my time with the four teams I represented in the NBA, I look back fondly at every season and thank each and every one of my teammates and coaches that joined me on the court.â€
Nakakuha si Kidd ng isang NBA title at dalawang Olympic gold medals at pangalawa sa career list sa assists at steals at isang 10-time All-Star.
Naimintis niya ang 22 sa kanyang 25 shots sa postseason at hindi nakaiskor sa kanyang huling 10 playoff games matapos maging isang 40-anyos.
May natitira pa siyang dalawang taon at $6 milyon sa kanyang kontrata na nilagdaan niya sa Knicks.
Kamakailan ay nagretiro na rin ang 40-anyos na si Grant Hill na nakasalo ni Kidd para sa Rookie of the Year honors noong 1995.
Iginiya ni Kidd ang New Jersey Nets sa dalawang NBA Finals noong 2002 at 2003 at tinulungan ang Dallas Mavericks na makamit ang 2011 title.