PARIS--Bumangon si Roger Federer mula sa isang two-sets-to-one deficit para talunin si 15th-seeded Gilles Simon ng France 6-1, 4-6, 2-6, 6-2, 6-3, para umabante sa kanyang pang 36 sunod na major quarterfinal.
“I didn’t hurt myself or anything,†sabi ni Federer sa pagkukrus ng kanyang paa.
Bagamat halos magkaroon ng injury si Federer, nabigo naman si Simon na samantalahin ang pagbagal ng Swiss netter.
Makakaharap ni Federer sa quarterfinals si No. 6-seeded Jo-Wilfried Tsonga ng France.
Tinalo ni Tsonga, ang 2008 Australian Open runner-up, na si Viktor Troicki, 6-3, 6-3, 6-3.
Pinayukod ni Federer si Tsonga sa siyam sa kanilang 11 beses na paghaharap.
Gumawa naman ng eksena si 32nd-seeded Tommy Robredo ng Spain matapos gulatin si No. 11 Nicolas Almagro, 6-7 (5), 3-6, 6-4, 6-4, 6-4.
Lalabanan ni Robredo sa quarterfinals si No. 4 David Ferrer, sinibak si No. 23 Kevin Anderson ng South Africa 6-3, 6-1, 6-1.