^

PSN Palaro

Indian booters ‘di na bibisita sa Pinas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabo ang planong pagbisita ng India football team sa bansa para sa isang international friendly laban sa Philippine Azkals sa Setyembre sa ‘di pa matukoy na palaruan.

Plano ng All India Football Federation (AIFF) na tumungo sa Pilipinas para sa Setyembre 6 na international friendly game. Ito ang una sa dalawang laro na nais gawin ng pederas­yon bilang paghahanda sana para sa South Asia Football Federation (SAFF) Championship.

Ang ikalawang laro ng Blue Tigers ay laban sa Ma­laysia sa Setyembre 10.

Pero nalagay sa ala­nga­nin ang balak na ito da­hil nagdesisyon ang organizers ng SAFF na ilipat ang petsa ng Championship mula sa orihinal na Setyembre 18 na si­mula tungo sa Setyembe 1 hanggang 11 na bagong kalendaryo.

Ang Manila, Cebu at Bacolod ang pinagpipiliang lugar para pagdausan ng larong ito.

Samantala, dumating na ang Azkals sa Hong Kong para sa international friendly sa host booters bukas sa Mong Kok Stadium.

Nasa 18 manlalaro ang dala ng Azkals sa pangu­nguna nina Stephan Schrock, Phil at James Younghusbands, Javier Patino at goal keeper Neil Etheridge.

Ito ang ikalawang international friendly ng Azkals sa taong ito. Unang hinarap ng Azkals ay ang Myanmar sa Yangon noong Pebrero 6 at nanalo ang Pilipinas, 1-0.

Ang laro na magsisi­mula sa ganap na alas-8 ng gabi at mapapanood  ng live sa Studio 23, ay ba­hagi ng paghahanda ng Azkals para sa 2014 AFC Challenge Cup sa Mal­divies.

ALL INDIA FOOTBALL FEDERATION

ANG MANILA

AZKALS

BLUE TIGERS

CHALLENGE CUP

HONG KONG

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with