MANILA, Philippines - Natupad ang hangaÂrin ni Olympic Games campaigner Jessie Khing Lacuna na makuha ang siyam na gintong medalya sa swimming competition ng 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Rizal Swimming Center.
Kinumpleto ng 19-anÂyos na si Lacuna ng Pulilan, Bulacan ang isang nine-gold medal haul nang maghari sa men’s 100-meter butterfly, 200m individual medley, 50m freestyle at 100m breaststroke events sa Day Three.
Nagsumite si Lacuna, sumabak sa 2012 Olympic Games sa London, ng mga tiyempong 58.62 segundo sa 100m butterfly, 2:13.39 sa 200m IM, 24.64 sa 50m freestyle at 1:11.55 sa 100m breaststroke.
Nauna nang kumuha si Lacuna ng tatlong gintong medalya sa Day One at tatlo sa Day Two noong BiÂyernes.
Ipinagpatuloy naman ni Hannah Dato ng Las Piñas City ang kanyang pamamayagpag sa women’s division nang kunin ang kanyang pang-limang gold medal, ang huli ay sa kanyang panalo sa 200m IM.
Sa volleyball sa Ninoy Aquino Stadium, dalaÂwang ginto ang inangkin ng Philippine Air Force nang mamayani sa men’s at women’s division.
Tinalo ng Armymen ang National University, 25-22, 25-20, 19-25, 25-22, sa men’s class habang giniba ng Armywomen ang Cagayan Valley Bomberinas, 21-25, 25-19, 26-24, 25-18, sa women’s category.
Sa baseball sa Rizal Memorial Diamond, tinalo ng Philab ang Air Force, 10-3, para sikwatin ang gintong medalya sa event na inihahandog ng Ayala Corp., Summit Mineral Water, Bala Energy Drink, STI Colleges, Splash Islands, Enchanted Kingdom, LBC, 7-11, TV5, AKTV, Milo, Procter and Gamble, Peak/Kix, Tea Monkey, Standard Insurance Corporation, Delos Santos Medical Center, Spin.ph, Everlast and BSP Employees Association.