Laro Ngayon
(Philsports Arena, Pasig City)
1 p.m. Adamson vs UST (3rd place)
3 p.m. National University vs Ateneo (1st place)
MANILA, Philippines - Walang ibang gaganda pa sa pagtatapos ng ShaÂkey’s V-League kundi ang pagkakaroon ng dalawang sudden-death para sa ikatlo at unang puwesto.
Inaasahang dudumugin ng mga volleyball fanatics ang pangpinaleng laro sa Season 10 First Conference ngayong hapon sa Philsports Arena sa Pasig City dahil wala ng itatago ang apat na koponan na sasalang sa aksyon.
Ang Adamson at UST ay magpapambuno sa ganap na ala-1 ng hapon at ang mananalo ang kukuha sa ikatÂlong puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sa tampok na laro dakong alas-4 ay magpapang-abot uli ang nagdedepensang Ateneo laban sa uhaw sa titulo na National University para malaman kung sino sa dalawa ang kikilalaning kampeon sa kompetisyong may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Puso na ang magdedetermina sa kung sino ang hihiÂranging kampeon sa ganitong deciding game at umaasa si Lady Eagles coach Roger Gorayeb na lalabas ang pagiging beterano ng kanyang koponan.
“Hindi na masyado ang skills sa ganitong laro kundi puso na ang kailangan. Mahirap magsalita dahil malakas din ang kalaban pero kailangan namin na umatake nang umatake kung gusto naming manalo,†wika ni Gorayeb na hanap ang ikatlong sunod na titulo sa conference.
Kauna-unahang malaking panalo sa women’s volleyball ang dagdag na inspirasyon ng Lady Bulldogs sa larong ito.
“Ang dapat naming gawin ay mag-enjoy lang sa laro para hindi ma-pressure. Kailangan din ng magandang reception para magamit ang height advantage,†wika ni Lady Bulldogs coach Edjet Mabbayad.
Nauwi sa straight sets ang unang dalawang laro ngunit dahil sa kahalagahan ng pinaglalabanan, kumbinsido ang dalawang koponan na aabot sa 5-set ang labanan.