Digmaang La Salle, Ateneo sa Filoil sisiklab ngayon
MANILA, Philippines - Hahangarin ng La Salle na manatiling angat sa karibal na Ateneo sa pagtutuos ng dalawang koponan sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup ngayon sa San Juan Arena.
Hindi pa natatalo ang Archers sa Eagles sa pre-seaÂson tournament na ito at tiyak gusto ng koponan na maipagpatuloy ang dominasyon sa karibal lalo pa’t maganda ang kanilang ipinakikita sa liga.
Parehong may 6-1 karta ang dalawang koponan ngunit ang La Salle ay nakikitaan ng husay sa pamamagitan ng mga bagong mukha na sina Robiet Bolick at point guard Kib Montalbo.
Pilay ang Eagles dahil may mga injuries ang mga inaasahan na sina John Paul Erram, Von Pessumal, Gwyne Capacio at Kris Porter kaya’t aasahan nila para sa panalo sina Kiefer Ravena, Juami Tiongson at Nico Elorde.
Ang mananalo sa larong ito na magsisimula dakong alas-4 ng hapon ang mangunguna sa Group B.
Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa pagitan ng Adamson at San Beda.
Samantala, opisyal na kinuha ng UST ang ikaapat na puwesto sa Group B matapos ang 76-75 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa laro kahapon.
May 27 puntos si Jeric Teng para sa Tigers na tinapos ang elimination round bitbit ang 5-3 baraha.
Ito ang ikaanim na pagkatalo sa waÂlong laro ng Generals na humugot ng tig-17 puntos kina Igge King at Noube Happi na mayroon ding 19 boards .
Magarang pagtatapos naman ang ginawa ng FEU na sinuwag ang JRU, 73-70, sa isa pang laro.
- Latest