MANILA, Philippines - Inasahan nina LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Gabe Norwood ng Rain or Shine na makapagdedepensa ang Gilas Pilipinas II ng kanilang korona para sa darating na 2013 R.W. Jones Cup sa Taiwan sa Hulyo.
Ngunit bunga ng patuloy na iringan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan hingÂgil sa pagkakabaril sa isang Taiwanese fisherman noong Mayo 9, hindi inimbitahan ang Gilas II sa Jones Cup.
Ayon kay Tenorio, hinirang na Finals MVP sa paghahari ng Gilas II sa Jones Cup noong nakaraang taon laban sa United States, ang nasabing torneo sana ang gagamitin nila bilang paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakaÂtakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City.
Ang FIBA-Asia Men’s Championships ang siyang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.
Panghihinayang din ang nararamdaman ni NorÂwood sa kabiguan ng Nationals na idepensa ang titulo sa Jones Cup.
Sa pang-iisnab ng Taiwan sa Gilas II, sinabi ni head coach Chot Reyes na hahanap sila ng ibang torneo na masasalihan bago ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.
“We now have to find a replacement tournament as d Jones Cup is such an integral part of our preparation,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter.
Sinabi naman ni Philippine Basketball Association Commissioner Chito Salud na kailangang magpaÂkaÂtatag ang Nationals kahit hindi inimbitahan ng Taiwan sa Jones Cup.