UE tinapos ang streak ng La Salle

MANILA, Philippines - Apat na mahahala­gang puntos ang ibinigay ni Roi Sumang para sa UE sa huling isang minuto para wakasan ang limang sunod na panalo ng La Salle, 60-53, sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumuhos ng puntos si Sumang matapos ang tres ni Gab Reyes para idikit ng Archers ang iskor sa 54-53 para umangat ang Warriors sa ikalimang sunod na pa-nalo at 6-1 sa kabuuan.

May 12 puntos, 6 re-bounds at 4 assists si Su-mang upang  ilagay din ang UE sa ikalawang puwesto kasunod ng Ateneo (6-1) sa Group B.

Ibinagsak naman ni Francis Abarcar ang 14 sa kanyang 22 puntos sa huling yugto para tulu­ngan ang San Beda na kunin ang 82-75 panalo sa University of Perpetual Help, habang nanalo ang Arellano sa Jose Rizal University, 83-67, sa iba pang mga laro.

Ang beteranong si Ba­ser Amer ay may  15 puntos, 10 rebounds at 6 assists habang nabuhay uli ang 6’7 center na si  Ola Adeogun sa kinamadang 13 puntos at 11 rebounds at makaba­ngon agad ang Red Lions mula sa pagkatalo sa Arellano sa huling laro tungo sa 4-2 karta.

Nalaglag ang Altas sa 1-5 karta at nasayang ang 22 puntos ni Juneric Baloria.

Isang 25-5 start ang ginawa ng Chiefs para agad na alisan ng anumang kumpiyansa ang Heavy Bom­bers at ilista ang ika­anim na panalo.

 

Show comments