POC-PSC Philippine National Games: Palatao nagpasiklab, kumampay uli ng ginto

MANILA, Philippines - Inangkin ni Regie Pa­latao ang kanyang ikala­wang gintong medalya matapos ungusan ang kambal na sina Edward at Edgar Galang sa men’s touring 500-m kayak sa 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Manila Bay.

Nagsumite si Palatao ng tiyempong 2:44.71 para talunin sina Edward (2:53.14() at Edgar Galang (2:54.29) at sikwatin ang gold medal.

Si Palatao na tubong Madella, Quirino Province ay  huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan.

Ginitla naman ng 14-anyos na kayaker na si Rosalyn Esguerra si dou­ble-gold medal winner Janeth Escallona sa wo­men’s touring kayak 500-meter event matapos maglista ng bilis na 3:25.93 para angkinin ang gintong medalya.

“Bata pa lang ako talagang nagka-kayak na po ako,” sabi ng grade six student ng San Juan Elementary School na si Esguerra na tubong Palanas, Masbate.

Nabigo si Escallona, nagbida sa 5,000m tou­ring kayak at dragon boat tandem events, na makamit ang kanyang ikatlong gold medal nang magtala ng oras na 3:42.11 para sa silver medal kasunod si Noel­le  Wenceslao, isang dating Mount Everest climber, na kinuha ang bronze sa kanyang oras na 3:58.26.

Sa nasabing dalawang event ay tinalo ni Escallona si Esquerra.

Sa tennis event sa Rizal Memorial Tennis Center, tinalo ni AJ Lim si Juan Gabriel Pena, 6-2, 6-1, para makapasok sa quarterfinals kasabay sina Johnny Arcilla, PJ Tierro at Marc Reyes.

Show comments