Paragua humirit ng draw sa Indian GM para ‘di malaglag sa unahan

MANILA, Philippines - Naglaban sa draw sina Grandmaster Mark Paragua at Indian GM Baskaran Adhiban para magsalo sa una­han kasama sina second seed Chinese GM Li Chao at Uzbek GM Marat Dzhumaev matapos ang seven rounds ng $100,000 Asian Continental Chess Championships sa Midas Hotel and Casino in Pasay.

Naglaro ng itim na piyesa, nalampasan ng 29-anyos na si Paragua ang atake ni Adhiban sa kanilang Queen’s Pawn game.

Ngunit nakahanap ng paraan si Adhiban para makabawi sa kanyang pawn disadvantage patungo sa pakikipaghati ng puntos kay Paragua.

“Kuntento na ako sa draw kahit alam kong may panalo ako,” ani Paragua.

Nakipag-draw rin si  Li kay United States-based Filipino GM Julio Catalino Sadorra matapos ang 42 moves ng isang Gruenfeld battle.

Kapwa may 5.5 points sina Paragua, Li at Dzhumaev, tinalo si local bet GM John Paul Gomez sa 53 moves ng isang Dutch encounter.

Tinalo ni Dzhumaev si Gomez sa isang tactical game.

Ang panalo ay nagtakda ng paghaharap nina Li at Dzhumaev sa eight at penultimate round na habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nilalaro.

Show comments