MANILA, Philippines - Gumawa ng 32 puntos si Vehnjamin Maximo para pamunuan ang La Salle-Greenhills sa 107-55 demolisyon sa Lourdes School of Mandaluyong sa finals ng Seaoil NBTC 12U National Championship sa Philsports Arena sa Pasig City.
May 17 puntos pa si Miguel Santos, habang apat pang manlalaro ang naghatid ng 10 puntos pataas para sa LSGH na agad na iniwan ang kalaban sa unang yugto, 33-12.
Hinirang bilang Most Outstanding Player si AnferÂnee Zachary Estacio ng Lourdes School habang si Santos ang Best Defensive Player.
Nakasama naman ni Estacio sina Julian Alfonso Jugo (LSGH), Andrei Joaquin Carino (Escuela de Sophia), Saymond Gailan Male (Escuela de Sophia), Yves Lazaro (Ateneo), Javier Paras (Xavier), Csve Busel (Divine Word), Ethan Ryan Fajardo (Sacred Heart), Josh Penarubia (MaÂryhill) at Sebastian LocÂsin (LSGH) sa Mythical team.
Samantala, 30 bata ang dumalo sa Seaoil NBTC Elite Camp na ginawa mula Mayo 21 hanggang 23 sa Xavier School sa Greenhills.
Ang 20 rito ay mula sa NBTC Elite Camp Balloting habang 10 ang inimbitahan matapos makitaan ng husay ng paglalaro sa torneo.