MANILA, Philippines - Matapos pagharian ang katatapos lang na 2013 PBA CommissioÂner’s Cup, ang darating na Governors Cup, bubuksan sa Agosto 14, ang tinatarget ng Alaska.
Para sa naturang komÂperensya na magtatampok sa mga imports na may taas na 6-foot-5 pababa, pinagpipilian ng Aces na iparada ang sinuman kina dating import Jason Forte at New Mexico star player Wendel McKines.
“I still have to talk to Jason Forte. He’s a class act, he’s been with us†sabi ni Alaska head coach Luigi Trillo kay Forte. “I need to talk to him and tell him that Wendel is ready to come.â€
Sa likod ni Forte, tumapos ang Aces na may 2-7 win-loss record at kaagad na nasibak sa torneong pinagharian ng Rain or Shine katuwang si import Jamelle Cornley.
Nanggaling naman si McKines sa pagkampanya sa French league para sa koponan ng Rouen kung saan siya nagtala ng mga averages na 17.3 points at 8.9 rebounds.
“He’s still in France. He’s got better stats than (Jamelle) Cornley there in France. He’s shooting 80 percent from the free throw line. He’s a stud. He’s very different from Rob (Dozier),†ani Trillo kay McKines.
Ang 6’9 na si Dozier, hinirang na Best Import, ang tumulong sa Aces para makuha ang 2013 PBA Commissioner’s Cup nang walisin ang Ginebra Gin Kings, 3-0, sa kanilang best-of-three championship series.
Kukunin ng Ginebra si Dior Lawhorn, naglaro para sa Saigon Heat sa Asean Basketball League, habang muling ipaparada ng San Mig Coffee si Marqus Blakely para sa 2013 Governors Cup.
Iginiya ni Blakely, nagposte ng mga averages na 22.4 points, 13.4 rebounds, 2.7 steals at 2.5 blocks sa 22 laro, ang B-Meg Llamados (ngayon ay San Mig Coffee) sa runner-up finish kontra sa nagkampeong Elasto Painters sa 2012 Governors Cup.