MANILA, Philippines - Apat na Fil-American athletes ang dumating kahapon mula sa Estados Unidos para sumabak sa gymnastics competition ng 2013 Philippine Olympic Committee --Philippine Sports Commission (POC-PSC) National Games na sisimulan sa Mayo 20 at magtatapos sa Hunyo 2.
Ang tatlong batang laÂlaki at isang batang babae ay galing sa Los Angeles, California at hangad na katawanin ang bansa sa mga international tournaments.
Tatlong gintong medalÂya ang kaagad paglalabanan sa gymnastics event bukas.
Ang mga ito ay sa men’s at women’s singles at sa trios sa aerobics.
Limang gold medal naÂman ang nakataya sa canoe kayak at dragonboat, ayon kay head coach Lenlen Escollante.
Nakataya sa Day 1 ang ginto sa Marathon 5KM distance: Kayak Racing Single men, Kayak Touring Single men & women, Kayak Touring Tandem mixed, Canoe Racing single men at ang Dragonboat 20 seaÂters mixed.
Pag-aagawan sa Day 2 ang 500meters distance: Canoe racing single men, Kayak racing single men, Kayak touring single men & women, Dragonboat 20 & 10 seaters mixed, DraÂgonboat 20 & 10 seaters Men and Women at ang D2 mixed.