16-dikit na panalo itinagay vs dragons: san miguel beer lusot sa 3 ot
MANILA, Philippines - Hinarap ng San Miguel Beer ang matinding hamon na naipakita ng Westports Malaysia Dragons matapos mamayagpag sa 107-104 tagumpay sa larong umabot sa tatlong overtime sa ASEAN Basketball League (ABL) noong Biyernes sa MAGA Gym sa Malaysia.
Gumawa ng 22 puntos si Leo Avenido at siyang nagbida para sa Beermen na winakasan ang kamÂpanÂya sa eliminasyon tangan ang 16 sunod na panalo at nangungunang 19-3 karta.
Tampok na buslo ni Avenido na siyang nagpatabla sa regulation (79-all) at unang overtime, (88-all), ay ang running jumper laÂban sa depensa ni Julius Stefan Armon para basagin ang huling tabla sa 104-all.
Sumablay ang home team sa sunod na opensa at si Paolo Hubalde ay nagtala ng split para sa huling puntos ng laro.
Ito ang kauna-unahang triple-overtime game sa ABL at magandang pabaon ito para sa Beermen na haharapin ang number four team na Sports Rev Thailand Slammers sa best-of-five semifinals series na bubuksan sa Mayo 23 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ika-siyam na kabiguan sa 21 laro ang nalasap ng Dragons na hindi napangalagaan ang malaking kalamangan sa huling tatlong minuto sa regulation.
May 22 puntos din si Brian Williams bukod sa 23 rebounds habang si HuÂbalde ay naghatid ng 18 para patuloy na punuan ang puwestong iniwan ng may injury na si Chris Banchero.
“Huge game for our 16th straight win. Went into triple ot n my bros showed poise and character. Let’s get ready for the playoffs,†tweet ni Williams.
Pinuri naman ni SMB sports director Noli Eala ang pagpapalawig sa winning streak ng Beermen pero kasabay nito ang pagpapaalala na hindi pa tapos ang kanilang misyon.
“Last win is proof our unbreakable character. SMB has not lost since Feb. 19. 19-3 records tops our 17-4 last season. 16 straight is an ABL record. But all of that is nothing w/o a crown,†wika ni Eala sa kanyang tweet.
Tumapos bitbit ang 28 puntos at 14 boards si Gavin Edwards habang 27 ang hatid ni Armon para sa Dragons.
Wawakasan ng Malaysian team ang kampanya ngayon laban sa Saigon Heat at hanap ang panalo para magsilbing momentum papasok sa semifinals series nila ng nagdedepensang kampeon at may homecourt advantage na Indonesia Warriors.
- Latest