Kings, Aces bakbakan sa game one
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
7:30 p.m. Alaska vs Ginebra (Finals-Game 1)
MANILA, Philippines - Sa kanilang pagmartsa patungo sa PBA Finals, kinailangan ng No. 7 BaranÂgay Ginebra na talunin ang mas malalakas na Rain or Shine at Talk ‘N Text sa quarterfinals at seÂmifinals.
Madali namang sinibak ng eliminations topnotcher na Alaska ang Air21 sa quarterfinals at ang daÂting kampeong San Mig Coffee sa semifinals.
Maghaharap ang Gin Kings at ang Aces ngaÂyong alas-7:30 ng gabi sa Game One ng kanilang best-of-five championship series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Dalawang beses tinalo ng Alaska ang Ginebra sa kanilang dalawang ulit na paghaharap sa eliminasyon, 84-69 (Pebrero 23) at 102-93 (Abril 10).
“It’s gonna be so physical. This is a very short series. And it’s gonna an exciting series. I guess kung sino ang mas may gusto, siya ang mananalo,†sabi ni Gin Kings’ head coach Alfrancis Chua.
Ito ang pang 21st finals stint ng Gin Kings at hangad ang kanilang ika-siÂyam na koroÂna, ang huli ay noong 1997 PBA CommissioÂner’s Cup bilang Gordon Gin Boars sa ilalim ni playing coach Robert Jaworski, Sr. kung saan nila tinalo ang Alaska, 4-2, ni Tim Cone.
Asam naman ng Aces ang kanilang ika-14 titulo, ang 13 dito ay nanggaÂling sa pagmamando ni Cone, sa pang 26th finals appearance nila.
“I expect all the plaÂyers to play at maximum level because the stakes are higher this time,†sabi ni Alaska mentor Luigi Trillo, nasa kanyang unang PBA Finals bilang head coach matapos mabigo sa kanyang unang dalawang komperensya bilang kapalit ni Joel Banal.
Parehong hindi pa nananalo ng PBA crown sina Chua at Trillo.
Ayon kay Trillo, magkaibang istilo ang inilalaro ng Alaska at Ginebra.
“It’s fire and ice with our contrasting styles. Ginebra thrives on open court while we love to set up halfcourt basketball,†wika ni Trillo.
“They love to run and score on transition, and we have our strengths limiting the other team’s points and assists and forcing turnovers,†dagdag pa nito.
Ang Gin Kings ay babanderahan nina import Vernon Macklin, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand, Kerby Raymundo, Mac Baracael, Rudy Hatfield, Josh Urbiztondo at rookie Chris Ellis.
Itatapat naman ng Aces sina reinforcement RoÂbert Dozier, Cyrus Baguio, JVee Casio, rookie Calvin Abueva, Gabby Espinas, Dondon Hontiveros at Tony Dela Cruz.
- Latest