3-golds sinipa ng FEU jins

MANILA, Philippines - Tatlong ginto ang kinu­ha ng FEU sa men’s at women’s advance division upang lumabas bilang pinakamahusay na koponan na naglaro sa SMART National New Face of the Year champion­ships sa Ninoy Aquino Stadium.

Si finweight Rafael Mar­tinez at featherweight Jason Samson ang nanalo sa Tamaraws habang si flyweight Ronnielette Ba­lancio ang nagdala sa laban ng Lady Tamaraws sa kompetisyon na naglayon na tumukoy ng mga may potential na jins na maa­aring malagay sa national pool.

Tinalo ni Martinez si Ivan Santos ng Lyceum, si Samson ay nangibabaw sa kakamping si Emmanuel Canizares habang si Ba­lancio ay namayani kay Me­ryll Mercado ng Bulacan.

Sina flyweight Julius Kevin Japlit at light welterweight Karla Angela Soria ay naghatid ng ginto sa National University para pumangalawa sa FEU.

Sina Japlit at Soria ay nanalo kina Justin Castillo ng UP at Kathleen Mae Mi­randa ng Lyceum.

Ang iba pang nagsipanalo sa senior men at women ay sina Olympia’s Stephanie Oslo (flyweight), Ateneo’s Kyla Relucio (bantam), UP’s Franchesca Torres (feather), Ateneo’s Radley Dizon (bantam), Don Bosco Madaluyong’s John Edward Balog (welter) at Lyceum’s Vien Isaac Corvite (middle-heavy).

Show comments