3-golds sinipa ng FEU jins
MANILA, Philippines - Tatlong ginto ang kinuÂha ng FEU sa men’s at women’s advance division upang lumabas bilang pinakamahusay na koponan na naglaro sa SMART National New Face of the Year championÂships sa Ninoy Aquino Stadium.
Si finweight Rafael MarÂtinez at featherweight Jason Samson ang nanalo sa Tamaraws habang si flyweight Ronnielette BaÂlancio ang nagdala sa laban ng Lady Tamaraws sa kompetisyon na naglayon na tumukoy ng mga may potential na jins na maaÂaring malagay sa national pool.
Tinalo ni Martinez si Ivan Santos ng Lyceum, si Samson ay nangibabaw sa kakamping si Emmanuel Canizares habang si BaÂlancio ay namayani kay MeÂryll Mercado ng Bulacan.
Sina flyweight Julius Kevin Japlit at light welterweight Karla Angela Soria ay naghatid ng ginto sa National University para pumangalawa sa FEU.
Sina Japlit at Soria ay nanalo kina Justin Castillo ng UP at Kathleen Mae MiÂranda ng Lyceum.
Ang iba pang nagsipanalo sa senior men at women ay sina Olympia’s Stephanie Oslo (flyweight), Ateneo’s Kyla Relucio (bantam), UP’s Franchesca Torres (feather), Ateneo’s Radley Dizon (bantam), Don Bosco Madaluyong’s John Edward Balog (welter) at Lyceum’s Vien Isaac Corvite (middle-heavy).
- Latest