Fruitas lumapit sa semis
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Cagayan Valley vs Cebuana Lhuillier
4 p.m. NLEX vs EA Regen
MANILA, Philippines - Naipasok ni Jan Colina ang isang undergoal stab upang bitbitin ang Fruitas sa 73-69 panalo sa Café France at manatiling buhay ang paghahabol na makuha ang awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Nakitang naglaho ang 16 puntos kalamangan, 61-45, sa ikatlong yugto, ang natatanging puntos ni Colina mula sa sablay na birada ni Pong Escobal ang nagtulak sa Shakers sa 72-69 bentahe sa huling 14 segundo.
Sunod ay nag-error si Alfred Batino dahilan upang mangailangan ng foul si Raymund Maconocido kay Anjo Caram tungo sa split at bigyan ang tropa ni coach Nash Racela ng apat na puntos na kalamangan sa huling isang segundo sa shotclock.
“Broken play na sana pero andoon si Jan sa tamang puwesto,†ani RaÂcela na kinuha ang ikapitong panalo matapos ang 10 laro.
Mahalaga ang panalo dahil nasabayan ng Fruitas ang 85-75 tagumpay ng Blackwater Sports sa Hog’s Breath sa ikalawang laro.
Tinapos ng Elite ang eliminasyon bitbit ang 8-3 karta ngunit kailangan pa nilang antayin ang resulta ng huling laro ng Shakers laban sa Boracay Rum sa Huwebes para malaman kung sila ba ang aabante sa semifinals.
Isang panalo pa ng ShaÂkers sa Waves ay magreresulta para magkatabla ang dalawa sa 8-3 karta at bababa sa quarters ang Elite dahil nanalo ang Fruitas sa kanilang tagisan.
- Latest