Alcala, de Vera pasok sa quarters

MANILA, Philippines - Sumulong sa quarterfi­nals sa girls’ U-19 singles sa PBA-Victor Ming Ramos Youth Cup Badminton Championships sina Malvinne Ann Alcala at Janelle de Vera kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Tinalo ng top seed na si Alcala si fourth pick Janine Peligrino, 21-12, 21-15, upang itakda ang tagisan laban kay Maridel Rivera na pinagpahinga ang fourth seed Aldreen Concepcion at Alyssia Rubio sa huling dalawang nakaharap.

Si De Vera ay nanalo kay Mariya Sevilla, 21-17, 21-12, para kunin ang karapatang labanan ang national junior team member na si Alyssa Geverjuan na nanalo kay Grezel Alcuitas, 21-11, 21-12.

Nasa quarterfinals na rin ang third seed na sina Mary Ann Maranon, Airah Albo at Michal Duquilla nang talunin sina Terence Pomar (21-16, 21-16), Mikaela Aquino (21-13, 21-15), at Monica Rivera (21-9, 21-10).

Ipinoste naman ni Mark Alcala ang ikatlong sunod na panalo sa boys’ U-19 class sa pamamagitan ng 21-5, 21-6, panalo laban kay Fidel Manegdeg.

Sunod niyang kakaharapin si fifth seed Ros Pedrosa na minaliit ang hamon ni Frell Gabuelo, 25-23, 21-17, sa palarong may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA) sa pamumuno ni Vice President Jejomar Binay, chairman Manny V. Pangilinan at sec-gen Rep. Albee Benitez.

Show comments