^

PSN Palaro

Nakabangon na ang Alaska Milk

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Darating at darating din talaga ang panahon na malalampasan ng Alaska Milk ang impluwensiya ng dati nitong coach na si Tim Cone. Darating ang panahon na makapagsisimua sila ng ‘panibagong henerasyon’ sa ilalim ng bagong head coach.

At mukhang dumating na nga ang panahong iyon.

Mamaya na ba iyon?

Magtutuos sa Game Four ng kanilang best-of-five semifinals series ang Alaska Milk at San Mig Coffee mamaya sa Smart Araneta Coliseum. Kapag nagwagi ang Aces ay makakapasok sila sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Sa pagpasok pa lang ay mayroon na silang puwedeng ipagbunyi.

Kasi ito ang magiging unang Finals appearance ng Aces pagkatapos na iwanan sila ni Cone na ngayon ay siyang head coach ng San Mig Coffee.

Mula nang lumipat si Cone sa San Mig Coffee (dating B-Meg) ay naigiya niya sa siyam na sunod na panalo ang kanyang bagong koponan kontra sa koponang nilayasan niya. Kabilang na dito ang 71-69 panalo ng Mixers kontra Aces sa Game One ng kasalukuyang semifinals series.

Pero kung titingnang maigi, tila napupunto na talagang manalo ang Alaska Milk, e.

Sa elimination round pa lang ay muntik nang masilat ng Alaska Milk ang San Mig Coffee noong  Marso 23. Natalo ang Aces sa kontrobersyal na 84-83 decision matapos mabale-wala ang free throw ni Calvin Abueva.

At sa Game One nga ng serye ay muntik na ulit magwagi ang Alaska Milk. Pumutok lang si Denzel Bowles na gumawa ng huling anim na puntos ng Mixers upang mapanatili ang kanilang winning streak.

Pero breakthrough win na maituturing ang 86-67 panalo ng Aces sa Mixers sa Game Two. Napakalaki ng kalamangang kanilang naiposte at para bang hindi yon bagay sa semifinal round.

Makakabawi sana ang Mixers sa Game Three kung saan nilamangan nila ng 16 puntos ang Aces sa second quarter. Pero nakabangon ang Alaska Milk sa pangunguna ng second stringers at napuwersa sa overtime ang Mixers.

Puwede sanang ipanalo ni Bowles ang San Mig Coffee dahil nabigyan siya ng dalawang free throws sa huling apat na segundo ng regulation period kung saan lamang ang Alaska Milk 80-79. Pero isang free throw lang ang ipinasok niya kung kaya’t nangailangan ng karagdagang limang minuto at nagwagi ang Alaska Milk, 89-82.

Ngayo’y nakatitig sa ‘history’ si Alaska Milk coach Luigi Trillo na dating assistant ni Cone. Tatapusin na niya ang ‘Tim Cone Era’ sa Alaska Milk. Magsusulat na siya ng panibagong kasaysayan. Kakalimutan na ng Aces ang kanilang dating head coach.

Sa totoo lang, alam naman ni Cone na mangyayari ito. Muling magbabalik ang winning tradition ng Aces kahit na nawala na siya. Hindi naman kasi coach lang ang nagdadala sa isang koponan.

Matindi din naman ang suporta ng team owner na si Wilfred Steven Uytengsu. Marunong itong mag-alaga ng kanyang koponan at mga manlalaro.

So, inaruga ni Uytengsu ang kanyang bagong head coach at ang kanyang mga manlalaro. Tiniis ang pagbagsak at sumama sa pag-ahon.

Tingnan nga natin kung ano ang magiging reaksyon ni Uytengsu kung mananalo ang Alaska Milk mamaya.

ACES

ALASKA

ALASKA MILK

CALVIN ABUEVA

COACH

GAME ONE

MILK

PERO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with