Pukpukan sa krusyal na panalo sa Game 3

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. San Mig Coffee vs Alaska

7:30 p.m. Talk ‘N Text

vs Barangay Ginebra

MANILA, Philippines - Muling iinit ang mga aksyon sa pagbabalik ng semifinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.

Magtatapat ang Barangay Ginebra at Talk ‘N Text ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Alaska sa alas-5:15 ng hapon sa Game Three ng kanilang mga se­mifinals showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong nagtabla sa 1-1 ang mga best-of-five semifinals series ng Gin Kings at Tropang Texters at ng Mixers at Aces.

Para palakasin ang kanilang tsansa laban sa Ginebra, pinauwi ng Talk ‘N Text si seven-foot import Jerome Jordan para hugutin si 6-foot-6 reinforcement Tony  Mitchell na makaka­tapat ni Vernon Macklin.

Nanggaling si Mit­chell sa pagkampanya sa NBA D-League kung saan siya ang nahirang na Rookie of the Year at naging ikala­wang leading scorer ng regular season.

“How to defend Macklin will be our No. 1 concern. All of our bigs will have to step up and we will have to have solid team defense and rebounding,” sabi ni Texters’ coach Norman Black.

Sa unang laro, itinutu­ring naman ni San Mig mentor Tim Cone ang ka­nilang labanan ng Alaska ni coach Luigi Trillo na isang best-of-three series.

“After such a long break, it truly does feel like a best-of-three. It’s almost like a completely different series,” wika ni Cone. “But like any best-of-three, that first game is always crucial.”

Show comments