Laro Bukas
(Davao Del Sur Coliseum)
5 p.m. Shooting Stars Competition
6 p.m. PBA All-Star Selection vs Gilas Pilipinas All-Star Game
DIGOS City, Philippines --Napanatili ni Jonas Villanueva ng Barako Bull ang kanyang titulo sa Obstacle Challenge habang tinanghal ang mga rookie na si Chris Tiu ng Rain or Shine bilang bagong Three Point King at Chris Ellis ng Barangay Ginebra bilang bagong Slam Dunk champion sa Skills Competition ng PBA All Stars sa napunong 5,000 seater na Davao Del Sur Coliseum dito.
Matapos hindi naipasok ni Elmer Espiritu ng Barangay Ginebra ang kanyang tinatangkang dunk mula sa pasa ni Mark Barroca na nasa lower box ng audience para sa 25 points lamang, matagumpay na naisagawa ni Ellis ang dunk mula sa assists ni Cliff Hodge sa ilalim at bumitin pa ito para sa 49 points
Ang first round dunk ni Ellis ay ang cradle dunk para sa perfect score na 50 points na kanyang sinunÂdan ng windmill dunk matapos patalbugin ang bola sa board para sa perfect score din na 50 points para makapasok sa finals kasama si Espiritu.
Sa unang round ng finals nadehado si Ellis maÂÂtapos niyang maipasok ang kanyang reverse windmill baseline windmill dunk sa kanyang ikaapat na attempt at naipasok agad ni Espiritu ang kanyang dunk mula sa lobong pasa mula sa mid court.
Tinalo ni Villanueva sina Pamboy Raymundo ng Talk ‘N Text (28.1) at Ellis ng Ginebra (30.3) sa kanyang pinakamabilis na oras na 26.3 para sa kanyang ikaapat na sunod na titulo sa obstacle event.
Tila nakikini-kinita na ang muling pagkapanalo ni Villanueva nang magsumite ito ng pinakamabilis na oras sa elimination round na 27.2.
Nagtala si Tiu ng 21 point kabilang ang apat na money ball na may katumbas na two-points sa final round upang talunin sina KG Canaleta ng Air21 (18 points) at Jayvee Casio ng Alaska (14-points).
Samantala, asahang makakapanood ng maÂtinÂding aksyon sa PBA All-Star Game ngayon sa pagitan ng PBA Selection team at ng Gilas Pilipinas bilang pam-finale ng All-Star Week.