Parks nagbida sa panalo ng Bulldogs
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. NU vs Perpetual
2:30 p.m. UE vs EAC
4:15 p.m. Letran vs SSC
MANILA, Philippines - Kinagat ng National University Bulldogs ang ikaapat na sunod na panalo sa Filoil Flying V Premier Cup nang nalusutan ang FEU, 67-64, kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Ang pambato ng koponan na si Bobby Parks Jr. ay nagpasok ng dalawang mahahalagang buslo para ibigay sa NU ang tatlong puntos na kalamaÂngan bago pinagmasdan ang pagsablay sa sana’y panablang tres na ibinato ni Terrence Romeo upang manatiling nasa unahan sa Group A.
Bago ito ay inagawan muna ni Romeo si Parks tungo sa fastbreak lay-up para sa 65-64 iskor.
Nakahirit pa ng foul si Romeo kay Emmanuel Mbe pero mintis ang kanyang bonus free throws.
Nakuha pa ng TamaÂraws ang offensive rebound ngunit sablay uli ang opensa bago nakuha ni Parks ang bola sabay hirit ng foul sa huling anim na segundo.
May 20 puntos at 11 boards ang 6’6 Camaroonian center Alfred Aroga para sa NU habang si Romeo ay tumapos taglay ang 25 puntos para sa FEU na bumaba sa 1-2 karta.
Samantala, sinandalan ng San Sebastian ang tibay ng mga rookies na sina Jaymark Peraz at Leo De Vera bukod sa mahalagang tres ni Gio Vergara para ibigay sa koponan ang 89-87 overtime panalo sa University of the East.
May 20 puntos, 10 rebounds, 7 assists, at tig-2 steals at blocks since Perez habang 20 puntos pa ang ibinigay ni De Vera bukod sa 8 rebounds, 6 steals at 4 assists.
Ibinulsa naman ng Southwestern University ang ikalawang panalo matapos ang limang laro nang makumpleto ang pagbangon mula 21-puntos pagkakalubog tungo sa 80-75 panalo.
- Latest