Pinoy wrestlers umaasang mananalo ng 3 ginto sa Thailand
MANILA, Philippines - Tatlong ginto ang sisikaÂping bitbitin ng national junior wrestling team na tumulak kagabi patungong Suphan Buri, Thailand para sumali sa 6th Southeast Asian Junior and Cadet Wrestling Championships.
Mangunguna sa 17-wrestlers ang 17-anyos na si Joshua GaÂyuchan na mula Ifugao State University.
Siya ay beterano ng 2012 edisyon at nanalo ng bronze medal. Si Gayuchan ay lalaro sa Cadet boys 54-kilogram freestyle event.
Kasama rin sa delegasÂyon ang Philippine National Games (PNG) gold medaÂlists na si Minalyn Foy-os bukod pa kina Rosegyn Malabja, Kristine Jambora, Jerald Bosikaw, David Caoli, Nikkita Suarez, Brylle Magnabijon, Vince Palanca, Meldion Pinon, King Bryan Guingona, Jefferson Manatad, Joseph Canolas, Michael Jay Cate Sedano, Marlou Onrubia, Richelle Piolo, Ronil Tubog.
Ang lahat ng bumubuo sa koponan ay nanalo ng ginto sa idinaos na National Youth Wrestling Championships noong Abril 12 hanggang 13 sa wrestling gym sa Rizal Memorial Sports Complex.
“We expect these athletes to give their best and win medals for the country. We are looking at three gold medals,†wika ni Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary-general Karlo Sevilla.
“This trip will be a big boost to our wrestlers as they get the chance to experience competition at the international level,†wika naman ni WAP president Albert Balde.
Nagtulung-tulong ang Philippine Sports Commission (PSC), Iglesia ni Cristo at pribadong sektor para pondohan ang paglahok ng delegasyon.
Matapos ang torneong ito, balak pa ng WAP na suÂmali sa Asian Junior Championships sa Phuket, Thailand mula Hunyo 13 hanggang 16 at Asian Cadets Championship sa Ulan Bator, Mongolia mula Hulyo 25 hanggang 28 bilang bahagi sa pagpili ng manlalaro na ipadadala sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
- Latest