Laro sa Mayo 7
(Ynares Arena)
2 p.m. Café France
vs Cagayan Valley
4 p.m. Big Chill
vs EA Regens
MANILA, Philippines - Ginamit ng Cagayan Valley ang mainit na opensa para kunin ang 101-83 panalo sa Boracay Rum at patingkarin ang tagisan para sa playoff sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
May 25 puntos si Adrian Celada mula sa 5-of-6 shooting sa 3-point area, 3-of-3 sa 2-point area at 4-of-5 sa free throw line at ang Rising Suns ay umaÂngat sa 5-4 baraha para makasalo sa ikalimang puwesto kasama ang Waves at Café France.
“Ang panalo ay nagpalakas pa para sa paghahabol sa quarterfinals. May dalawa pa kaming laro at must-wins ang mga ito,†wika ni Rising Suns assistant coach Toto Dojillo.
May 22 puntos si Chris Exciminiano habang sina Edrian Lao at Chris Canta ay nagsanib sa 23 puntos para sa Cagayan na tumapos taglay ang 57.4 percent shooting (39-of-68).
Nagtrabaho agad ang Cagayan at umarangkada sila sa 27-9 panimula bagay na hindi na kinayang ahunan ng Waves.
Si Jeff Viernes ay may 22 puntos pero ininda ng Waves ang malamig na pagbuslo sa tres na kung saan isa lamang matapos ang 21 birada ang kanilang naipasok. Ang Cagayan ay may 8-tres sa 20 buslo.
Gumana rin agad ang laro ng Big Chill sa first half tungo sa 93-73 panalo sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro.
Sina Janus Lozada at Terrence Romeo ay tumapos bitbit ang 26 puntos at 20 puntos para kunin ang ikalimang panalo sa 10 laro at manatiling palaban sa susunod na round.
Si June Dizon ay may 5 puntos para sa Gems na nagtala rin ng masamang 25-of-42 shooting sa free throw line para bumaba sa 5-5 baraha.