MANILA, Philippines - Bubuksan bukas ang una sa dalawang qualiÂfying period para sa national eliminations para sa BowÂling World Cup.
May 13 venues na puÂwedeng puntahan ng mga bowlers na gustong mapabilang sa mga manlalarong puwedeng masama sa pagpipilian bilang kinataÂwan ng bansa sa World Cup.
Ang mga venue na pagÂdarausan ng unang qualiÂfying ay ang AstroÂbowl, Superbowl, CommonÂwealth, Paeng’s Midtown Bowl, Coronado Lanes, SM Mall of Asia, Paeng’s Freedom Imus, Puyat Sports Baguio, SM North Edsa, SM Fairview, Paeng’s Eastwood Bowl, Q Plaza at SM Valenzuela.
Bukas sa kalalakihan at kababaihang bowlers na edad 16-anyos pataas ang qualifying at dapat ay may Philippine passport ang sasali.
Ang ikalawang qualifying ay mula Hunyo 21 hanggang Agosto 15 at ang national finals ay gaganapin sa Setyembre para madetermina ang mga national champions na siyang sasabak sa World Cup sa Sibiryak Center, Kransamoyarsk sa province ng Syria.
Sina RJ Bautista at Krizziah Tabora ang mga kumatawan sa Pilipinas sa 2012 sa Poland at si Tabora ay tumapos sa ika-14th puwesto.
Isa ang Pilipinas sa mga tinitingalang bansa sa World Cup dahil sa pagkakaroon ng apat na World Cup champions sa katauhan nina Paeng Nepomuceno, Bong Coo, Lita de la Rosa at CJ Suarez.
Si Paeng ay may record sa pinakamaraming World Cup title na apat.