MANILA, Philippines - Dominahin ang kaniÂlang head-to-head ang isa sa magtutulak sa San Miguel Beer para magpaÂtuloy ang mataas na antas ng paglalaro sa ASEAN Basketball League.
Sa Yñares Sports Arena sa Pasig City gagawin ang labanan sa ganap na alas-4 ng hapon at muling kakaharapin ng Beermen ang nangungulelat na Saigon Heat.
Angat ang Beermen sa Heat , 2-1, at ang huÂling pagkikita noong Abril 17 sa Vietnam ay nauwi sa 101-49 tambakan dahil hindi nasalang si David Palmer bunga ng ipinataw na suspension.
Hindi naman nagkuÂkumÂpiyansa si coach Leo Austria dahil bukod sa dalawang imports ang ipaparada ng Heat, pursigido rin ang mga ito para manatiling buhay ang paghahaÂbol para sa puwesto sa semis.
May 3-13 karta ang Heat pero puwede pang umabante sa playoffs saÂkaÂling walisin ang nalalaÂbing anim na laban.
Bunga nito, nananalig ang pamunuan ng Beermen na magpapatuloy ang inspiradong paglalaro ng 40-anyos na si Asi Taulava na kuminang sa huling dalawang panalo para umusad sa 11-sunod ang kanilang pagpapanalo.