Ravena humataw sa Eagles

Laro Bukas

(The Arena)

12:45 p.m.  LPU vs SWU

2:30 p.m.  NU vs CSB

4:15 p.m. UE vs ADMU

 

MANILA, Philippines - Naglabas si Kiefer Ra­vena ng impresibong performance nang maglista ng 33 puntos at banderahan ang Ateneo sa 88-81 tagumpay kontra sa Letran kahapon sa pagbabalik aksyon ng Filoil Flying V Hanes Pre-Season Premier Cup sa the Arena.

Ang panalo ay nagbalik sa  Eagles sa itaas matapos  iposte ang 4-1 kartada.

Sa kabila ng panalo, dismayado pa rin si Ateneo coach Bo Perasol sa kanyang bataan na naging malamya sa final canto.

“We should have a matured game at endgame,” ani Perasol, na ang torneo ay nagsisilbing pagpapa­lakas ng kanilang koponan na ang mga key pla­yers na kabilang sa five-peat ay nagsipagtapos na.

Hinawakan ng Eagles ang 80-64 pangungu­­na mula sa dalawang charities ni Vince Tolentino bago  unti-unti itong naibaba ng Letran sa 81-87 matapos magsanib puwersa sina Mcjour Luib at Rey Nambatac patungong huling minuto ng sagupaan.

Samantala, sumandig ang San Sebastian sa mga balikat ni Jon Rebollos na tumapos ng 20 puntos upang ihatid ang Stags sa 84-73 panalo kontra sa Cebuano team Southwestern U sa unang laro.

 

Show comments