Kumpiyansa si Milan Melindo na kung matuloy ang laban niya kay Juan Francisco Estrada ay kaya niyang agawin mula sa boksingero ng Mexico ang WBO flyweight title na dating hawak ni Brian Viloria.
Si Estrada ang tumalo kay Viloria sa Macau dalawang linggo na ang nakakalipas. Pero imbes na bigyan niya si Viloria ng rematch, mas ginusto niyang labanan si Melindo na tubong Cagayan de Oro.
Ikinakasa na ang laban sa July 27 sa Macau.
Ngayon pa lang, excited na si Melindo dahil matapos ang mahabang panahon ay ito ang una niyang sabak para sa world title.
Matagal nang pangarap ni Melindo, na nagmula sa ALA Boxing Club nila Tony at Michael Aldeguer ng Cebu, na maging world champion.
Excited din siya dahil feeling niya ay kaya niya ang 23-anyos na si Estrada. Mas matanda si Melindo ng dalawang taon at sana ay mas magulang sa loob ng ring.
Mas matangkad din si Estrada ng mga ilang pulÂgada pero mas gusto daw ni Melindo ang mas maÂtangkad na kalaban.
“Mas okay daw ang timing niya sa mas matangkad na kalaban,†sabi ni Dennis Canete ng ALA Boxing.
“Kaya ko si Estrada. Hindi naman siya gaano kaÂlakasan dahil nga hindi din niya napatumba si Viloria,†dagdag pa ni Melindo.
Bilib ako sa galing at tapang ni Melindo. Kesa nga naman sabihin niyang delikadong kalaban si Estrada ay mas mabuti na sabihing kayang-kaya niya ito.
Sa boxing kasi, pag naunahan ka ng takot sa kalaban, dehado ka na sa laban. Sinisiguro ni Melindo na hindi ito ang magiging kaso.
Ang problema nga lang ay may tendency na kinakapos sa loob ng ring kung tumatagal ang laban. Pero sisiguruhin daw niya ngayon na hindi siya mauubusan ng gasolina.
Ito ang una niyang pagkakataon na maging world champion. At kung hindi pa niya ito sasamantalahin ay baka matagalan na ang susunod na tsansa niya.
“Kaya ko yan,†ulit ni Melindo.
Patay kung patay.