Ateneo nakatikim sa UST

MANILA, Philippines - Tinapos ng UST ang tatlong dikit na panalo ng Ateneo sa pamamagitan ng 63-57 panalo sa FilOil Flying V Hanes Pre-Season Premier Cup kahapon sa The  Arena sa San Juan City.

Sina Aljon Mariano at Kevin Ferrer ang nagtulong para bumangon ang Tigers mula sa 53-57 iskor sa hu-ling dalawang minuto tungo sa 1-1 karta.

Si Mariano ay umiskor ng anim na sunod na puntos para ibigay ang 59-57 abante  bago nagpakawala ng tres si Ferrer upang palawigin sa lima ang ka­nilang bentahe sa huling 15 segundo sa orasan.

Samantala, kinuha naman ng La Salle ang ikala­wang sunod na panalo nang tudlain ang Southwestern University, 98-61, habang nalusutan naman ng Adamson ang FEU, 68-67,  sa isa pang laro.

May 17 puntos si Almond Vosotros para sa Ar­chers at ang kanyang 13 puntos sa first half ang nakatulong para agad na iwanan ng koponan ang Cebuano team, 28-10 at 55-33.

May 16 puntos si Norberto Torres habang sina Jason Perkins at Gabby Reyes ay may 12 at 10 puntos at ang Archers ay umangat sa 2-0 matapos talunin ang UST sa unang laban, 73-67.

Show comments