^

PSN Palaro

Aces sa semis: dinispatsa ang Express

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nagamit ng No. 1 Aces ang kanilang bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 Express sa quarterfinal round.

Nagtayo ng isang 17-point lead sa third period, binalasa ng Alaska ang Air21 mula sa isang 87-81 panalo para angkinin ang unang tiket sa semifinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.

“This win gave us another opportunity to refresh and regroup,” ani coach Lui­gi Trillo. “Every game now is tough, really scratch and claw. It’s only in the fourth when one team started breaking away.”

Bagamat nagawa ng Express na makadikit sa 68-72 agwat  mula sa basket ni import Michael Dunigan matapos maiwanan sa 29-46 sa first half, hindi naman bumigay ang Aces.

Sinandigan ng Alaska sina JVee Casio at rookie forward Calvin Abueva upang muling makalayo sa Air21 sa 80-69 sa 4:58 minuto ng final canto.

Huling nakalapit ang Express sa 70-80 galing sa jumper ni Mark Isip sa 2:28 minuto ng labanan kasunod ang jumper ni Sonny Thoss at three-point shot ni Casio para sa 85-78 bentahe ng Aces sa natitirang 1:15 minuto.

Samantala, pipilitin na­mang tapusin ng Talk ‘N Text at Meralco ang kani-kanilang quarterfinals series laban sa Petron Blaze at nagdedepensang San Mig Coffee patungo sa semifinals.

Kapwa tangan ng Tro­pang Texters at Bolts ang 1-0 abante sa kani-ka­nilanng best-of-three quarterfinals showdown ng Boosters at Mixers.

Tinalo ng Talk ‘N Text ang Petron, 100-93, samantalang tinakasan ng Meralco ang San Mig Coffee, 88-85, sa Game One noong Biyernes.

“We still have a huge problem in rebounding. We’re killed on the boards. We’re really lucky the locals stepped up and supplied the points,” sabi ni coach Norman Black sa panalo ng kanyang Tropang Texters sa Boosters.

Alaska 87 - Casio 19, Dozier 17, Abueva 14, Thoss 12, Baguio 12, Jazul 8, Hontiveros 3, Dela Cruz 2, Reyes 0, Espinas 0.

Air21 81 - Canaleta 16, Dunigan 13, Cortez 11, Omolon 9, Custodio 8, Isip 8, Arboleda 8, Baclao 4, Menor 4, Atkins 0, Wilson 0, Ritualo 0.

Quarterscores: 28-21; 46-29; 67-60; 87-81.

CALVIN ABUEVA

CASIO

DELA CRUZ

GAME ONE

MARK ISIP

MERALCO

MICHAEL DUNIGAN

N TEXT

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with