^

PSN Palaro

Lakers vs Spurs sa 1st round Blake, Gasol nagbida sa panalo kontra Rockets

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES -- Ang hi­na­hangad na tiket sa playoffs ay dumating sa pintuan ng Los Angeles Lakers bago pa man nila labanan ang Houston Rockets noong Miyer­kules.

Ito ay dahil na rin sa 86-70 pananaig ng Memphis Grizzlies laban sa Utah Jazz na halos 2,000 milya ang layo sa Los Angeles.

Tinalo ng Lakers ang Houston Rockets, 99-95, para angkinin ang se­venth seed sa Western Confe­rence at makaharap ang Spurs sa first-round playoff imbes na Oklahoma City.

Dinomina ng Rockets ang halos kabuuan ng laro bago kumamada ang La­kers sa fourth quarter.

Isang buzzer-beating three-point shot ni Chandler Parsons ng Rockets ang pumasok na nagdala sa laro sa overtime.

Sa extension period, kuminang ang depensa ng Lakers kung saan naman nagtuwang sa opensa sina Dwight Howard, Pau Gasol at Jodie Meeks.

“It hasn’t been easy, it’s been a crazy year,” sabi ni Lakers guard Steve Blake. 

Bubuksan ng Lakers (45-37) ang playoffs kontra sa Spurs (58-24), habang makakatagpo naman ng Rockets (45-37) ang Thunder (60-22).

“Obviously I’m really proud the way for a month (the Lakers) had to play in elimination games eve­ry night,” sabi ni coach Mike D’Antoni sa Lakers na ipinanalo ang huli nilang limang laro, kasama na ang huli kahit wala si injured star Kobe Bryant.

“The great thing about it is everybody contributed, and somebody did something that we got the win,” ani Meeks na tumipa ng dalawang free throws sa huling 16.7 segundo para ibigay sa Lakers ang isang 3-point lead sa regulation.

Umiskor naman si Bla­ke ng 24 points, habang nagposte si Gasol ng isang triple-double: 17 points, 20 rebounds at 11 assists.

Humakot si Howard ng 16 points at 18 rebounds at nagdagdag si Antawn Jamison ng 16 points mula sa Los Angeles bench.

ANTAWN JAMISON

CHANDLER PARSONS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

JODIE MEEKS

KOBE BRYANT

LAKERS

LOS ANGELES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with